Bata Habang Buhay

Wednesday, January 26, 2005

tatanda ulit ako

malapit na ang bertdey ko! siyempre masaya kasi maraming babati sa text, tatawag, mag-he-hello, mag-sa-smile, magiging mabait sakin, magpapaalila sakin just because bertdey ko. natutuwa ako at makakaramdam ulit ako ng ganun. saya!

pero siyempre kainis din kasi matanda na ko ng isang taon. gaya ng masayang mangyayari sa araw ko, makakarining nanaman ako ng "wow, happy birthday ha! may boypren ka na?". kainis! di na natigil.

mabuti nalang ako ay isang napakamasayahing bata at di umaabot sa mga ugat sa ulo ko ang mga ganung comments. ang tanging banat ko nalang sa tuwing naitatanong yun ay "ha?! ay wala e. di bale, pakilala ko agad sayo pag meron na.". sabay big fake smile at aalis. hahaha. e sa masaya pa akong maging bata e.

isa pang napansin ko pagtumatanda ang bertdey celebrant, tumatanda rin ang natatanggap na regalo. nung mga 3 years old yata ako nakakuha ako ng lutu-lutoan. tas nung mga 7 years old nako ay relos. nung mga 12 years old na ay bag. pagdating ng 15 years old, "kikay" kit. nung nag 20 ako, girlie blouses. ngayon nakita ko na yung isang regalo ko -- make-up. grabe. buti nga nakita ko bago niya ibigay, na-warningan ko siya na kung pwede ay isang doctor-doctor set nalang. di pumayag, pangbata daw. hay. di nila niintindihan na pampabata ang mag-buhay bata.

pero siguro nga tumanda na ako, kasi nang binasa ko ang libro tungkol sa mga pinakamalas na bata, parang na-bore ako -- to death. inantok nga ako e. mga tatlong beses yata akong nakatulog hahaha! at ang masakit, ako na palaging bata ang puso at pure and innocent ang utak (charing!), ay nasabihan ng "baka binabasa mo siya as an adult. i-try mong basahin as a kid.". grabe noh. baka nga naman tumanda na ko. hehehe kakaiba, tumatanda lang pero hindi lumalaki. sayang.